Lahat tayo ay may iba′t-ibang uri ng tradisyon, at kultura. Meron rin tayong iba′t-ibang paniniwala. kagaya ng pilipinas bawat lugar dito ay may ipinagmamalaking mga produkto na siyang nagiging tatak nito upang mas lalo itong makikilala.



            Unang lugar na aking ipapakilala ay ang lungsod ng Taguig. Ang lugar na ito ay sikat sa  ipinagmamalaki nilang balot. Napakasikat ng balot hindi lang sa lugar ng taguig pati na rin sa ibang lugar sa pilipinas. Isa ang balot sa tinatawag na “trade mark” nating mga Pilipino dahil pag binabanggit ang balot pilipinas agad ang tinutukoy nito.






            Pangalawa ay ang lugar ng Davao bukod sa ipinagmamalaki nitong durian sikat rin sila sa kanilang produkto na bagoong alamang. Sobrang sarap nito at sigurado ako na inyo itong babalik-balikan kung ito′y inyong matitikman.
            





            Pangatlo naman ay ang lugar ng Surigao ang isa sa pinakasikat na pagkaing kanilang ipinagmamalaki ay ang sayongsong. Ito ay isang uri ng kakanin na ibinabalot sa dahon ng saging. Ito ay kasing kulay ng puto. Sobrang sarap nito dahil gawa ito sa malagkit na kanin, asukal, calamansi, mani at gata ng niyog.









            Pang apat ay ang lungsod ng Baguio isa sa kanilang ipinagmamalaking produkto ay ang strawberry jam. Sobrang sarap nito at wala kang masasabi sa lasang taglay nito. Pwede mo itong ipalaman sa tinapay sa umaga.




            At ang panghuli ay ang Batangas isa sa ipinagmamalaki nilang produkto ay ang kanilang pinaka-bongang pagkain ang nilabong talong. Nakagisanan na ng mga batangenyo na palaging may hinahandang talong sa kanilang hapagkainan.




            Wag na tayong mag pahuli pa tara na at tikman ang mga pagkaing ito.
           

Comments